Umaabot na sa 15 ang mga senador na pumirma na sa report ng Senado ukol sa imbestigasyon nito sa Mamasapano incident.
Sa isang text message, sinabi ni Senadora Grace Poe na sapat na ang bilang ng mga pirma upang isumite ang draft report sa plenaryo para iadopt o ireject ito.
Ngunit hihintayin pa ni Poe, ang ilang senador na hindi pa lumalagda sa report bago niya ito i-file.
Ipi-presinta ni Senator Poe ang naturang report sa Mayo.
Sa ngayon ang mga naka-pirma na ay sina Senador Grace Poe, Escudero, Sotto, Osmena, Pimentel, Marcos, Cayetano A, Binay, Recto, Cayetano P, Defensor-Santiago, Jinggoy Estrada, Honasan, Revilla at JV Ejercito.
Nakasaad sa Senate report na may malaking responsibilidad si Pangulong Aquino, Retired PNP General Alan Purisima, at Getulio Napenas sa Mamasapano incident.
Samantala, naniniwala naman si Senador Alan Peter Cayetano na kailangang ipagpatuloy pa ang imbestigasyon sa Mamasapano incident. ( Darlene Basingan,UNTV News Worldwide )
Tags: Grace Poe, Mamasapano incident