Matapos ang 10 taon ay dinisisyunan na ng RTC branch 216 sa Quezon City ang kasong arbitrary detension kaugnay sa pagdukot sa agriculturist at aktibistang si Jonas Burgos.
Inabswelto ng Korte si Major Harry Baliaga dahil hindi naipakita ng prosekusyon na kasama ito sa mga umano’y dumukot kay Burgos sa isang mall sa Commonweath Avenue noong April 28, 2007.
Ayon sa prosekusyon, si Baliaga ay opisyal ng Bravo Company sa 56th Infantry Batallon ng Philippine Army na may kustodiya naman sa sasakyang ginamit umano sa pagdukot kay Burgos.
Bagama’t may 3 saksi ang kampo ni Burgos ay hindi naman ito naipresenta sa korte. Pero giit ni Baliaga, wala siyang kinalaman sa pangyayari.
Sa ngayon, nakahanda na si Baliaga kung bibigyan siya ng bagong assignment dahil halos 7 taon na rin aniya siyang dumuduty lamang sa head quarters ng AFP at payag din siya na madeploy sa Marawi. Ipagpapatuloy naman ni Mrs. Edita Burgos ang paghahanap sa kanyang anak.
Ilan sa kasama sa inireklamo ng arbitrary detention noon sina AFP Chief of Staff Eduardo Año, dating chief ng Army Intelligence Service Group at si National Security Adviser Hermogenes Esperon na noon naman ay AFP chief.
Hindi nakasama ang mga ito sa kinasuhan subalit may apela ang kampo ni Burgos mula pa noong 2013. Nirerespeto naman ng AFP ang naging desisyon ng korte at umaasang matitigil na ang isyu.
( Rey Pelayo / UNTV Correspondent )