METRO MANILA – Pormal nang nanumpa sa pwesto si Maj. Gen. Arturo G. Rojas bilang bagong commandant ng Philippine Marine Corps (PMC).
Isinagawa ang command ceremonies sa Bonifacio Naval Station nitong May 8.
Ayon kay PMC PAO Chief Capt. Jarald B. Rea, humawak ng ilang mahahalagang posisyon sa AFP si Maj. Gen. Rojas na naging daan upang siya ay maging isa sa mga finest senior officers ng kaniyang henerasyon; naging commander siya ng Special Operation Command ng AFP bago maitalaga bilang bagong commandant ng Philippine Marine Corps.
Binigyaang diin ni Maj. Gen. Rojas na ang tungkulin ng Philippine Marine Corps ay tiyakin ang seguridad at kapayaan, na ang Marines ay dapat laging handa na protektahan ang bansa ng walang takot at kamalian.
Pinalitan ni Rojas si Marine Lt. Gen. Charlton M. Gaerlan na itinalaga bilang AFP Deputy Chief of Staff nitong Marso.
(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)
Tags: AFP, PH Marine Corps