Mahigpit na reimplementation ng motorcycle lane rules, uumpisahan na sa Lunes

by Radyo La Verdad | November 17, 2017 (Friday) | 1972

Inumpisahan ang dry run ng motorcycle lane rules and guidelines implementation ng Metro Manila Development Authority sa ilang bahagi ng Epifanio Delos Santos Avenue pasado alas sais ng umaga kanina.

Layon nito na paalalahanan ang mga motorista sa mga patakaran sa pagmamaneho ng motorsiklo partikular ang pananatili sa Blue Lane sa Edsa, Macapagal Boulevard, Commmonwealth Avenue at C5.

Magpapatuloy ang pagsasagawa ng dry run hanggang sa Linggo upang magkaroon ng sapat na panahon na paalalahanan ang mga motorista ukol dito.

Simula sa Lunes ay mahigpit na papatawan ng limang daan pisong multa sa unang tatlong istansya ang mga lalabag sa bawat patakaran at isasailalim sa seminar kasunod ng mga pagmumulta.

Kasabay nito ay ang implementasyon ng yellow lane policy kung saan dapat na buksan lamang ang mga pintuan ng public utility bus sa mga designated na babaan nito kung hindi ay magmumulta ng isang libong piso.

 

 

Tags: , ,