Mahigpit na pagpapatupad ng motorcycle lane, simula na ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 22, 2017 (Wednesday) | 2878

Simula na ngayong araw ang mahigpit na pagpapatupad ng Metro Manila Development Authority o MMDA ng motorcycle lane sa kahabaan ng Edsa. Ibig sabihin, ang mga motorsiklo na lalabas sa motorcycle lane ay huhulihin at pagmumultahin.

Ang motorcycle lane o ang blue lane ay ang ika-apat na lane sa Edsa mula sa sidewalk ay nauna nang ipinatupad ng MMDA noon pang 2012.

Nilinaw naman ng MMDA na maari pa rin namang mag-overtake ang mga motorcycle rider pero sa gawing kaliwa nila at kaagad ring babalik sa kanilang linya. Maari rin anilang daanan ng pribadong sasakyan ang motorcycle lane.

Umaasa ang MMDA na makatutulong ito sa pagbilis ng daloy ng mga sasakyan sa Edsa at upang mabawasan ang aksidente sa motorsiklo.

Noong 2016, nakapagtala ang MMDA ng mahigit sa dalawampu’t tatlong libong motorcycle accident sa Metro Manila kung saan higit 400 ang nasawi at mahigit labing anim na libo ang nasugatan.

Bukod sa mga traffic law enforcer na nakadeploy sa Edsa, manghuhuli rin ang MMDA ng mga violator sa pamamagitan ng no contact apprehension policy.

 

 

Tags: , ,