Mas mahigpit na internal cleansing program, ito ang ipinatutupad ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Ronald dela Rosa.
Ayon kay Dela Rosa, napabayaan ang aspetong ito kaya may mga tauhan ng Bucor ang nasangkot sa sindikato ng iligal na droga.
Ayon kay Bato, nais niyang agad na matanggal sa serbisyo ang mga tauhan na masasangkot at nasangkot sa illegal drug trade.
Ito rin aniya ang dahilan kayat ipina-aacount niya ang 24 na tauhan ng BuCor na kabilang sa narco-list ng pangulo.
Nais niyang malaman kung nakasuhan na ang mga ito. Nasa 4,500 ang tauhan ng BuCor.
Ang pagpapatupad ng mas mahigpit na internal cleansing sa BuCor ay bahagi ng hakbang upang malinis ang national penitentiary sa iligal na droga.
( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )
Tags: Bato, BuCor, internal cleansing