Nakapagtala ng mahigit 185 milyong pisong halaga ng pinsala sa imprastraktura sa lalawigan ng La Union ang bagyong Egay
Habang higit 39 milyong halaga naman ang naitalang pinsala sa agrikultura kabilang na dito ang tanim na palay, nasirang palaisdaan, tanim na gulay, mais at agricultural facilities.
Sa ngayon katulong ngayon ng Provincial Social Welfare and Development ang Philippine National Police San Fernando City at Philippine Coast Guard para sa pagrerepack ng mga relief goods na ipamimigay sa naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Egay
Mahigit walong libong relief goods ang kailangan nilang nairepack sa ngayon upang maidistribute sa mga bayan na nasalanta ng bagyong egay kabilang na dito ang bayan ng Luna, Bangar, Caba, San Juan at bayan ng Bauang
Sa tala ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office ng La Union aabot sa 16 na bayan at isang lungsod ang nasalanta ng bagyo
230 na barangay ang naapektuhan, 19,875 na pamilya o katumbas ng 80,417
Umabot din sa 25 bahay ang totally damaged, habang 187 ang partially damaged na bahay at 4 ang naitalang nasugatan