850 estudyante ng Bacolod city na dumalo ng orientation ang makaka-avail ng SPES o Special Program for Employment of Students at makakapagtrabaho ngayong bakasyon sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang programang ito ng DOLE ay makakatulong upang masanay ang mga estudyante na magtrabaho sa government at private companies sa kanilang bakanteng oras ngayong summer.
Isa itong malaking opurtunidad sa mga kabataan na magkakaroon ng pagkakakitaan sa halip na gugulin ang oras sa kanilang bahay habang walang pasok.
Sa dalawang daang pisong suweldo kada araw, 40% o P80 ay diretsong ibabayad ng DOLE sa eskwelahan at ang 60% o p120 naman ay sa kanila mapupunta.
Dalawampu’t limang araw magtatrabaho ang mga college students na magsisimula sa abril beinte at aasahang matatapos sa mayo beinte dos.
Sa kabuuan, limang libo ang kanilang magiging sweldo, dalwang libo ay para sa school at tatlong libo sa mga trabahador.
Noong nakaraang taon, nasa mahigit isang libo ang nag-apply ng summer jobs at siyam na daan lamang nagtagumpay na nakapagtrabaho.(Lalaine Moreno,UNTV Correspondent)