Mahigit sa P800-milyong halaga ng pananim sa Tarlac, napinsala ni ‘lando’

by Radyo La Verdad | October 20, 2015 (Tuesday) | 2919

TARLAC
Daan-daang ektarya ng palayan ang napinsala ng bagyong lando sa Tarlac.

Sa partial damage assessment ng Department of Agriculture sa Tarlac, mahigit limandaang milyong pisong halaga ng mga pananim na palay ang napinsala ni bagyong lando habang patuloy pang inaalam ang kabuuang halaga ng napinsala sa livestock industry.

Sa ulat naman ng Department of Social Welfare and Development ay mahigit sa sampung libong residente ang naapektuhan ng baha sa pitong bayan habang nananatili namang isolated ang barangay Bueno sa Capas, Tarlac dahil sa nasirang kalsada.

Samantala, sa bahagi naman ng Bataan ay daan-daang ektarya rin ng mga taniman ang napinsala ng bagyong lando.

Karamihan sa mga nasira at halos hindi na mapakinabangang pananim ay mga palay na aanihin na sana ngayong buwan.

Sa initial assessment ng lokal na pamahalaan, aabot sa 100-million pesos ang halaga ng pinsala sa mga bayan ng Dinalupihan, Hermosa, Orani, Samal, Abucay, Pilar at Balanga.

Samantala, ngayong gumaganda na ang lagay ng panahon ay nagsimula na ring magbilad ng mga palay ang mga residente sa pag-asang mapapakinabangan pa ito. ( Bryan Lacanlale / UNTV Radio )

Tags: , , , , , , ,