Mahigit sa P1 milyong halaga ng mga ari-arian, nasunog sa Tagoloan, Misamis Oriental

by Radyo La Verdad | June 1, 2016 (Wednesday) | 3095

WENG_BFP
Halos hindi magkandaugaga ang maraming residente sa pagsasalba ng kanilang mga gamit mula sa nasusunog nilang mga tahanan sa Barangay Casinglot sa Tagoloan, Misamis Occidental.

Pasado alas-onse kagabi nang sumiklab ang sunog na mabilis kumalat sa mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, aabot sa sampung bahay ang nilamon ng apoy at nadamay rin ang isang auto shop na pagma-may-ari ni Ginang Annabelle Clam.

Naabo rin ang kanilang van at dalawa pang sasakyan na pinapagawa lang sa kanilang shop.

Sa pagtaya ng BFP, mahigit sa isang milyong piso ang halaga ng mga ari-arian napinsala sa sunog na umabot sa ikalawang alarma.

Iniimbestigahan pa ng BFP ang dahilan ng sunog.

Wala namang nasaktan o nasawi sa insidente habang ang ilan sa mga nasunugan ay pansamantala munang nakikituloy sa kanilang mga kaanak.

(Weng Fernandez / UNTV Correspondent)

Tags: , ,