Mahigit sa kalahati ng mga pulis sa NCR na ipapadala sa Basilan, hindi dumalo sa send-off ceremony

by Radyo La Verdad | February 20, 2017 (Monday) | 2157


Pitumput tatlo lamang sa tinatayang 310 na mga pulis mula sa National Capital Region na ipadadala sa Basilan ang dumalo sa send-off ceremony sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kaninang umaga.

Tila ikinais naman ni NCRPO Chief Oscar Albayalde ang hindi pagdating ng karamihan sa mga ito.

Pinangaralan din ni Albayalde ang mga ito matapos na may kumuwestyon sa direktiba ng pangulo na dalahin ang mga irereklamong pulis sa Mindanao.

Pinabulaanan ng pamunuan ng NCRPO ang napapabalitang may nangyaring bayaran kaya ang ilan sa mga kasama sa naunang listahay ay natanggal, dumaan aniya sa proseso ang lahat bagi ang pormal na pag-isyu ng mga listahan ng mga pulis na ipapadala sa Basilan.

Sa halip, hinamon niya ang mga nasabing pulis na patunayang kaya nilang magbago at maging tapat sa serbisyo.

Mamayang alas diyes ng gabi babalik ang mga pulis sa Camp Bagong Diwa dala-dala na ang kanilang mga gamit.

Ala una naman ng madaling araw sabay-sabay na aalis ang mga ito patungong Villamor airbase para sa kanilang biyahe patungong Zamboanga sakay ang C130.

Mula sa Zamboanga, ililipat sila ng sasakyan patungo naman sa kanilang destinasyon, sa Basilan.

(Aiko Miguel / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,