Mahigit sa isanlibong residente sa isang barangay sa Norzagaray, Bulacan ang recipient ng Medical Mission ng UNTV at members ng Church of God International

by Radyo La Verdad | September 25, 2015 (Friday) | 1574

nestor_medical
Aabot sa limampung porsyento ng mga residente sa Brgy. Pinagtulayan sa Norzagaray, Bulacan ang mahihirap.

Marami sa mga nakatira dito ang hindi na nagpapatingin sa doktor kapag may karamdaman at ang kakaunti nilang kita ay mas pinipiling ipambili ng pagkain sa halip na gamot.

Kung kaya laking pasasalamat ng mga residente nang dumayo sa kanilang barangay ang Medical Team ng UNTV at Members ng Church of God International upang magsagawa ng medical mission.

Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ay ang libreng pagpapabunot nv ngipin, medical check up, laboratory tests, libreng gamot, gupit, physical therapy at acupuncture.

Mayroon ding libreng konsultasyon para sa mga may usaping legal.

Sa kabuuan, umabot sa (1,142) isanlibo isandaan at apat napu’t dalawa ang bilang ng mga natulungan sa libreng medical mission.

Umaasa naman ang ating mga kababayan sa Barangay Pinagtuluyan na marami pang matutulungan ang UNTV at MCGI lalo na ang mga nangangailangan at kapos sa buhay.(Nestor Torres/UNTV Correspondent)

Tags: ,