Mahigit sa 800 pulis, idineploy upang magbantay ng seguridad sa unang araw ng pasukan sa Masbate

by Radyo La Verdad | June 13, 2016 (Monday) | 2858

GERRY_PNP
Kumpiyansa ang Philippine National Police na mapapangalagaan ang seguridad ng mga magulang, guro at estudyante sa muling pagbubukas ng eskwela sa lalawigan ng Masbate.

Ayon kay Police Superintendent Jennifer Buquing Tino ng Police Community Relations Branch ng PNP, mahigit sa walong daang miyembro ng PNP Masbate ang idineploy upang bantayan ang seguridad sa lahat ng eskwelahan sa lalawigan.

Naglagay din sila ng assistance center at nagpapatrolya sa mga eskwelahan upang matiyak ang kaayusan.

Namimigay rin ang mga pulis ng kalatas na naglalaman ng paalala sa publiko upang huwag mabiktima ng mga masasamang loob gaya ng laglag-barya gang, laslas bag at tutok kalawit o estribo gang.

Pinayuhan rin ng pulisya ang mga estudyante na huwag makikipag-usap sa mga hindi nila kakilala o mga taong may kahina-hinalang kilos upang makaiwas sa insidente ng kidnapping.

Para sa anomang katanungan o pangangailangan ng tulong maaaring tawagan o itext ang PNP Masbate sa numero bilang 09175386349.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , ,