Matiyagang pumila sa clustered precinct number 61 ang maraming botante na nakiisa sa isinagawang special elections sa Brgy.Palayog, Hinigaran, Negros Occidental noong Sabado.
Aabot sa 567 voters ang bumoto sa espesyal na halalan na isinagawa mula ala sais ng umaga hanggang ala singko ng hapon.
Ipinatupad ng Commission on Elections ang special polls matapos na hindi makaboto ang mga botante rito noong May 9 dahil sa problema sa opisyal na balota.
Paliwanag ng COMELEC, nagkaroon ng mislabeling sa pakete ng mga ipinadalang balota kaya nagkapalit ang official ballots na para sana sa precinct 61 ng brgy palayog sa hinigaran at precinct 136A at 137A naman ng Borongan, Eastern Samar.
Ayon kay COMELEC Officer Sol naging matagumpay at mapayapa ang special elections at wala naman silang naranasang aberya.
Matapos ang halalan ay inaasahang makukumpleto na ang canvassing ng mga boto sa hinigaran upang maiproklama na ang lahat ng mga nanalong kandidato sa Negros Occidental.
(Primrose Guillaran / UNTV Correspondent)
Tags: Hinigaran, Mahigit sa 500 botante, Negros Occidental, Special elections