Mahigit sa 300,000 pamilya sa Eastern Visayas kabilang sa listahan ng poorest household-DSWD

by Radyo La Verdad | July 7, 2016 (Thursday) | 2171

JENELYN_POOREST
Inilabas na ng Department of Social Welfare and Development ang masterlist ng mga pinakamahihirap na pamilya sa anim na probinsya ng Eastern Visayas.

Sa tala ng DSWD, 330,945 families ang natukoy bilang poorest households sa rehiyon ngayong taon mula sa mahigit 700-libong inirekomenda ng Local Government Units.

Sa statistics ng National Household Targeting System for Poverty Reduction o NHTS-PR nangunguna ang Leyte sa may pinakamaraming mahirap na pamilya na sinundan ng Western Samar at Northern Samar.

Karamihan sa mga napabilang sa listahan ay mga walang trabaho at hindi nakapag-aral at mga naapektuhan ng Bagyong Yolanda, Ruby at Nona.

Ayon sa DSWD, natukoy nila ang profile ng poorest households sa rehiyon sa tulong ng Information Management System ng National Household Targeting System for Poverty Reduction.

Ipapamahagi ng DSWD ang listahang ito sa mga lokal na pamahalaan upang maging basehan kung sino at anong ayuda ang ibibigay.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,