Umaabot na sa mahigit tatlong libong ektarya ang palayan at maisan ang naapektuhan ng tagtuyot sa lalawigan ng Masbate.
Sa ulat ng Provincial Agriculture Office, anim na libo at limangdaang magsasaka ang naapektuhan ng tagtuyot mula sa labingdalawang munisipalidad.
Kabilang sa mga ito ang bayan ng Baleno, Cawayan, Cataingan, Mandaon, Milagros, Mobo, Palanas, Placer, Pio V Corpuz, Uson, San Jacinto at Monreal sa Ticao Island.
Bunsod nito, plano ng Provincial Agriculture Office na mamahagi ng limangdaang sakong binhi ng hybrid na mais sa mga magsasaka.
Nakahanda na rin ang pitungdaan at labingpitong sako ng black rice seeds at mahigit isanlibo apatnaraang sako ng abono na libreng ipapamahagi sa mga apektadong rice farmers.
(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)
Tags: 000 ektarya, 3, matinding tagtuyot, taniman sa Masbate