Mahigit sa 300 sumukong drug dependents sa Tacloban City,sumailalim na sa rehabilitasyon

by Radyo La Verdad | July 13, 2016 (Wednesday) | 1336

JENELYN_REHAB
Sinimulan na ng Tacloban City Government ang rehabilitation program para sa mahigit tatlong daang sumuko at umaming sangkot sila sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.

Sa loob ng limang araw, dadaan sila sa serye ng lecture tungkol sa masamang epekto ng bawal na droga sa katawan at kinabukasan, counseling at interaction at livelihood training para sa kanilang pagbabagong-buhay.

Sa tala ng Philippine National Police Regional Office 8, mula July 1 hanggang July 10 ay nasa pitong libo na high value targets at drug dependents ang boluntaryong sumuko na drug high value target, pusher at user sa buong Region 8.

At inaasahang tataas pa ito dahil sa mas maigting na kampanya ng administrasyon kontra krimen at iligal na droga.

Hinimok naman ng pulisya ang mga local government unit na magkaroon ng sariling reformation center upang matutukan ang pagbabagong buhay ng mga drug dependent.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: , ,