Mahigit sa 30 lalawigan sa bansa, nakaranas ng drought dahil sa El Niño Phenomenon

by Radyo La Verdad | February 2, 2016 (Tuesday) | 5462

REY_EL-NINO
Patuloy na nakaaapekto sa bansa ang El Niño Phenomenon.

Ayon sa PAGASA, nasa 32 lalawigan ang kinulang sa ulan kumpara sa mga taong walang umiiral na El Niño.

Umabot sa 17 lalawigan ang nakaranas ng drought o mahigit sa 60% na bawas sa dami ng ulan sa 3 magkakasunod na buwan na karamihan ay sa Mindanao.

12 lalawigan naman ang may dry spell din o 21-60% na bawas sa ulan sa loob ng 3 magkakasunod na buwan, habang 3 lalawigan naman ang nasa ilalim ng dry condition o 2 magkasunod na buwan na nasa 21-60% ang bawas ng ulan.

Ayon sa pagasa tatagal ang epekto ng El Niño sa bansa hanggang sa kalagitnaan ng 2016 subalit sa ngayon ay may indikasyon na posible pa itong humaba.

Ngayong taon naman ay matinding init din ang posibleng danasin ng ilang lugar sa bansa lalo na sa tag-araw.

Ayon sa PAGASA, sa Abril ay posibleng umabot sa 41.5’C ang temperatura sa mga mabababang lugar sa Luzon gaya ng Tuguegarao.

Sa pagtaya ng PAGASA, 85% ng bansa o 68 lalawigan ang makararanas ng drough o malaking kabawasan sa ulan.

Hanggang sa Hunyo naman ngayong taon ay tinatayang nasa 2-6 na bagyo ang pumasok sa PAR.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,