Limamput limang lugar sa bansa ang sabay –sabay na magsasagawa ng job fair sa darating na May one sa pagdiriwang ng ika- isang daan labing limang taong araw ng paggawa.
Mahigit dalawang daang libong trabaho ang naghihintay sa lahat ng mga kababayan nating magpupunta doon.
Kabilang sa mga trabaho dito sa bansa na maaring aplayan ay production machine opearators, customer service representatives o assistants, Police Officer o PO1, call center agent, office clerk at iba pa.
Habang ang trabaho na kailangang abroad ay gaya ng laborer, cleaner, service crew, electrician, professional nurse, production o factory worker.
Ayon sa DOLE, isa sa bawa’t limang aplikante ang nabibgyan ng trabaho o katumbas ng 20% ng kabuong bilang ng mga bakanteng trabaho ang nalalagayan ng posisyon tuwing araw ng Labor day.
Bukod pa dito ang libu- libong mga aplikante na natatanggap mismo pagka-apply nila sa mga job fair.
Samantala, pangngunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga aktibidad sa Labor day sa Davao City.
Ayon sa kalihim, may mahalagang iaanunsyo ang pangulo para sa mangagagawa sa pagdiriwang ng araw ng paggawa.
(Aiko Miguel)
Tags: DOLE, Labor day, mega job fair