Mahigit sa 20,000 residente sa Legazpi city, Albay, nakararanas ng kakulangan sa supply ng tubig

by Radyo La Verdad | November 11, 2015 (Wednesday) | 2124

ALLAN_TUBIG
Umaapela ang mahigit dalawampu’t isang libong residente sa pitumpung villages sa Legazpi city, Albay dahil sa nararanas nila ngayon na mahinang supply ng tubig.

Giit nila sa Legazpi City Water District, ayusin sana ang problema dahil maraming residente na ang apektado.

Ngunit ayon sa Legazpi City Water District, wala silang magagawang hakbang ukol rito dahil nasa water provider nilang maynilad-operated na philippine hydro ang problema.

Ayon kay Richard Atun, ang tagapagsalita ng City Water District, may kasunduan sila ng Philhydro na magbibigay ito ng 20,000 metro kubiko ng tubig kada araw o 600,000 metro kubiko kada buwan.

8.1-million pesos ang ibinabayad nila rito kada buwan, ngunit ang problema, hindi naman nasusunod ng Philhydro ang kontrata.

Kabilang sa mga apektadong barangay ang nasa upland villages ng Legazpi city, gaya ng old Albay District, Brgy. Mauyod, Tula-Tula Istanza, Taysan, Maslog Homapon, Bagacay, Bariis at Bangquerohan.

Mahina ang water pressure sa mga nasabing lugar kaya mahina o halos walang tubig na nakakarating kapag peak hours.

Ayon kay Atun, hiningan na nila ng paliwanag ang water provider ukol sa problema;

Sinubukan rin ng UNTV News na makausap ang ilang pinuno ng Philhydro sa lungsod ngunit tumanggi silang magbigay ng pahayag.

Sakali namang magtuluy-tuloy ang problema, tiniyak ng City Water District na may inihahanda na silang alternative water sources upang maibsan ang pangangailangan ng mga residente.(Allan Manansala/UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,