Mahigit sa 200 residenteng nasunugan sa Bulacan, humihingi ng tulong mula sa pamahalaan

by Radyo La Verdad | May 17, 2016 (Tuesday) | 1768

NESTOR_NASUNUGAN
Nagtitiis ngayon sa evacuation center ang nasa dalawandaang residente na nasunugan sa Barangay Lawa, Obando, Bulacan kahapon.

Karamihan sa kanila ay walang naisalbang gamit dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy sa dikit-dikit nilang bahay na pawang yari sa light materials.

Sa ulat ng Obando-Bureau of Fire Protection, dalawa ang nasaktan sa insidente na kinilalang sina Fidel Agulto at Rolando Tan.

Nagtamo sila ng mga paso sa mukha at katawan matapos silang panandaliang ma-trap sa nasusunog na bahay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, naiwanang nag-overheat na rice cooker sa bahay ng isang Dante Marcelo ang hinihinalang pinagmulan ng sunog.

Ngunit itinanggi naman ni Marcelo na may gamit silang rice cooker sa bahay at iginiit na nasa trabaho siya nang mangyari ang sunog.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , ,