Mahigit sa 2 milyong mahihirap na pamilya sa Central Luzon kabilang sa listahan ng mga prayoridad tulungan ng DSWD

by Radyo La Verdad | June 30, 2016 (Thursday) | 17919

POOR
Mahigit sa dalawang milyong mahihirap na pamilyang Pilipino ang kabilang ngayon sa updated na listahanan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Sa ulat ng DSWD Region 3, umabot sa 244,593 pamilya ang kailangang mabigyan ng tulong sa Central Luzon.

Ang listahanan o ang National Household Targeting System for Poverty Reduction ay isang database o Unified Information System ng mga mahihirap na pamilya at kung saan sila nakatira.

Bahagi ito ng programa ng pamahalaan upang mabawasan ang antas ng kahirapan sa bansa.

Maaari itong i-access ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang tukuyin kung sinu-sino ang mga maaaring maging benepisyaryo ng social protection at poverty alleviation programs.

Taong 2011 noong inilunsad ng DSWD ang listahanan na malaking tulong upang matutukan ang mga nangangailangan ng tulong.

Samantala, pabor naman ang DSWD sa isinusulong na 3 child policy ni incoming President Rodrigo Duterte upang maitaguyod ang responsible parenthood at mabawasan ang kahirapan.

(Joshua Antonio/UNTV Radio)

Tags: