Handa na ang mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors sa Iloilo City para sa gaganaping halalan sa Mayo a-nueve.
Kahapon natapos ang final training ng mga guro ukol sa election procedure at mga tungkulin nila bilang BEI.
Dumaan sa tatlong araw na final training ng COMELEC ang mahigit sa isanglibong BEI ukol sa kanilang mga tungkulin sa araw ng halalan.
Bukod pa ito sa isinagawang pagsasanay noong buwan ng Marso kung saan itinuro ang tamang pag-ooperate sa Vote Counting Machines, pag-iisyu ng voter’s receipt at mga gagawin kapag nagkaroon ng aberya sa mga balota, makina at transmission ng election returns.
Ang mga BEI ay idedestino ng COMELEC sa mahigit limangdaang voting places sa Iloilo City.
Samantala, muli namang nagpaalala ang COMELEC sa mga botante na huwag dalhin sa labas ng presinto ang inimprentang resibo ng makina dahil maaari silang makulong alinsunod sa election code.
Maaari lamang itong tingnan upang i-verify kung tama ang mga nakasulat batay sa kanilang ibinoto at pagkatapos ay ihulog sa bukod na receptacle bago lumabas ng presinto.
Bawal din itong kunan ng litrato at i-post sa social media.
(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)
Tags: 000 Board of Election Inspectors, election procedure, Iloilo City, Mahigit sa 1, refresher course