Mahigit P30 billion, ibinigay na remittance ng 49 GOCCs kay Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | May 13, 2015 (Wednesday) | 3128

GOCC

Nananatiling malaki ang nai-aambag ng mga government-owned and controlled corporations (GOCC) sa kaban ng bayan.

Sa ginanap na seremonya sa Malacanang kahapon ini-abot kay Pangulong Aquino ng 49 na GOCC’S ang tseke na nagkakahalaga ng mahigit sa 30 billion pesos bilang dibidendo sa national government.

Pinakamalaki ang remittance ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR, na may remittance na P10.1 billion, kasunod ang Land Bank of the Philippines, na nag-remit ng P6.25 billion, P3.2 billion naman mula sa Bases Conversion Development Authority, P3.1 billion sa Development Bank of the Philippines, at P2.3 billion pesos naman mula Food Terminal Incorporated.

P2.1 billion naman ang remittance mula sa Philippine Deposit Insurance Corporation at mahigit tig-iisang bilyong piso naman mula sa apat na iba pang GOCC na kabilang rin sa billionaires club.

Pinuri naman ni Pangulong Aquino ang mga GOCC na nagpakita ng magandang performance at binatikos ang mga kumpanyang nagpakasangkapan sa korapsyon. (Nel Maribojoc /UNTV News )

Tags: , , , , , ,