Mahigit P20-M halaga ng logistical support, medical supplies at iba pa, nakahanda para mga lugar na apektado ng bagyong Rolly – DOH

by Erika Endraca | November 2, 2020 (Monday) | 1449

METRO MANILA – Muling nagpaalala ang Department Of Health (DOH) sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na tiyaking naipatutupad ang minimum health standards sa mga evacuation center.

Kung hindi uubra na makahanap ng mas malawak na tutuluyan ng mga evacuees, dapat masiguro na may suot na facemask, face shield at may isang metrong physicial distancing ang mga ito.

“Ang pinakaimportante dapat may safety officer. Yung safety officer would be regularly monitoring all of those people inside the evacuation site para makikita natin kung meron nagkakaroon ng sintomas, makikita natin kung meron kailangan tanggalin at ilagay sa ibang facilities para hindi magkaroon ng hawa-hawa.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Iniulat naman ni Health Secretary Francisco Duque III na nakahanda nang ipamigay ang medical supplies sa iba’t ibang health facilities sa bansa lalo na sa mga lugar na apektado ng bagyong Rolly.

“Nakahanda po ‘yung ating logistical support sa halagang P26.5-M, halaga ng mga gamot, medical supplies, mga health kits, kasama ang ating mga personal protective equipment, at Covid-19 supplies ay naka prepositioned po ito by the different centers for health development.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

May karagdagan ding P21.7-M na halaga ng additonal commodities na nakahanda para sa mga biktima ng bagyo .Nakataas naman ang code blue alert sa lahat ng ospital sa mga apektadong rehiyon .

Inalerto na rin ng DOH ang mga ospital na ihanda ang mga generator sets at critical life saving equipment para sa mga hindi inaasahang pangyayari.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: