Mahigit P2-M ipamimigay na papremyo sa mga beneficiary ng anim na koponan sa UNTV Cup Executive Face Off 2018

by Radyo La Verdad | July 30, 2018 (Monday) | 7773

Mahigit dalawang buwang nasaksihan ang kanilang bilis at diskarte sa hardcourt ng liga ng mga public servant.

Ang tatag ng pulso sa outside shooting at ng mga kapana-panabik at makapigil hiningang  bakbakan na nagpapa-angat sa upuan sa ating mga kababayan, sa kabila ng abala sa kani-kanilang propesyon bilang mga public servant.

Hindi alintana ang pagod at extrang oras na gugulin dahil sa bawat pawis, bawat drible ay may matutulungang mga batang may cancer.

Magbibigay ng edukasyon sa mga kabataang naulila ng mga bayaning sundalo ng pamahalaan, mga katandaang matutulungan, mga biktima ng kalamidad at mga empleyado ng pamahalaan na nangangailangan.

Kaya naman nagkaisa ang mga heneral at coronel ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP), ang mga mambabatas sa Senado, mga huwes , court administrators, hukom at mga abogado ng pamahalaan, mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Duterte at iba pang executives.

Sa natatanging liga ng basketball na ang puso ay ang pagtulong sa kapwa sa pangungun ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon.

Sa kabuuan, mahigit dalawang milyong piso ang mapupunta sa mga benipisyaryo ng anim na koponang kalahok sa UNTV Cup Off Season Executive Face Off ngayong taon.

At mamayang ala syete ng gabi, magkaka-alaman na kung sino sa PNP Responders at Ombudsman Graft Busters ang mag-uuwi ng 1 milyong cash prize sa championship ng UNTV Cup Off Season Executive Face Off sa Smart Araneta Coliseum.

Para sa Ombudsman, matinding preparasyon ang kanilang ginawa laban sa PNP. Todo suporta naman ang buong pwersa ng PNP sa koponan ng kanilang mga opisyal.

Samantala, magkakaroon naman ng public service ang Serbisyong Kasangbahay ng UNTV mula alas tres hanggang ala singko ng hapon sa Smart Araneta Coliseum bago ang exibition game ng selections ng anim na koponan at ang final game ng PNP laban sa Ombudsman.

Maaring namang kumuha ng postal ID, NBI clearance, public fund loan application at iba pang public services hatid ng mga partners na goverment agencies.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,