Mahigit P15M halaga ng iligal na droga, nasabat ng BOC sa NAIA

by Radyo La Verdad | October 4, 2018 (Thursday) | 4307

Mahigit sa labinlimang milyong pisong halaga ng iligal na droga ang itinurn over ng Bureau of Customs (BOC) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaninang umaga.

Natuklasan sa loob ng limang package ang mahigit dalawang kilo ng shabu, apatnapu’t walong oil ampules, labindalawang plastic container ng marijuana, ilang kahon ng valium at mogadon na dumating sa Central Mail Exchage Center at warehouse ng FedEx  sa magkakahiwalay na petsa.

Galing ng Thailand, USA, Africa at Pakistan ang mga nasabat na kontrabando.

Nakapangalan ang shipment kina Melinda Dacallos ng Caloocan City, Joseph Manialac ng Angeles City, Logy Ramirez ng Batao, Iocos Norte, Edward Dela Rosa ng Las Piñas City at Rico Delicano ng Cotabato City.

Ang mga ito ay sasampahan ng kasong paglabag sa Customs Tariff and Modernization Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tags: , ,