Dalawang water container na may lamang kilo-kilong hinihinalang shabu ang nadiskubre ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA nang buksan ang compartment ang isang abandonadong kotse sa Tangali St., Brgy. San Jose sa Quezon City kagabi.
Ayon sa PDEA, isang intelligence report ang kanilang natanggap hinggil sa mga drogang laman ng kulay asul na mitsubishi lancer na may plakang WPB 418.
Ayon sa PDEA, tatlong araw na nilang minanmanan ang naturang sasakyan para mahuli kung sino ang nag-iwan nito subalit tila nakatunog na anila ang mga suspek sa kanilang operasyon kaya tuluyan ng inabandona ang kotse.
Tinatayang aabot sa mahigit isang daang milyong piso ang halaga ng mga nakuhang shabu na pagmamay-ari umano ng isang Chinese drug lord.
Isasailam naman ang mga nakumpiskang kontrabando sa chemical tests.
(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)
Tags: Mahigit P100-M halaga ng hinihinalang shabu, nadiskubre ng PDEA sa isang abandonadong kotse sa Quezon City