Mahigit P100-M halaga ng fake goods, nasabat ng BOC

by Erika Endraca | February 2, 2021 (Tuesday) | 21958

METRO MANILA – Nakuha sa isinagawang joint operation ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang ilang tauhan ng Manila International Container Port (MICP), National Bureau of Investigation (NBI), at Philippine Coast Guard (PCG) sa isang storage facility sa Tondo, Manila ang nasa P100-M halaga ng fake goods noong January 25.

Kabilang sa mga nasabing kontrabando ang mga pekeng brand ng bag gaya ng Chanel, Louis Vitton, at Gucci.

Nakuha din sa nasabing operasyon ang ilang hindi rehistradong mga face shield, mga pekeng gamot at sabon, at facemask na may brand name na AIDELAI™ na ipinagbawal ng Food and Drug Administration (FDA) na gamitin ng publiko.

Haharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at ang Intellectual Property Law of the Philippines ang sinomang mapatunayang may sala habang patuloy naman ang pagiimbestiga ng mga awtoridad ukol dito.

(Syrix Remanes | La Verdad Correspondent)

Tags: