Mahigit kumulang 1,000 mga Batangueño, napagkalooban ng libreng serbisyo sa People’s Day ng UNTV

by dennis | May 12, 2015 (Tuesday) | 4513
Photo credit: Photoville International
Photo credit: Photoville International

“Kami ay nagpapasalamat sa UNTV lalo na kay brother Eli, at kay Brother Razon (Kuya Daniel) sa kanilang malaking tulong dito sa aming barangay.”

Ito ang naging pahayag ni Brgy. Chairman Muhammad Ysmael Yusoph sa isinagawang People’s Day sa kanilang barangay noong May 10, 2015 sa Brgy. Balas Covered Court, Talisay, Batangas.

Sa pagkakaalam ni Chairman Yusoph, ang People’s Day ang pinakamalaking medical mission na ginanap sa kanilang lugar kaya naman bukod sa UNTV ay nagpapasalamat din sya sa Batangas Varsitarian Alumni na syang nagrequest ng nasabing gawain.

Tally of Rendered Services:
-Medical Adult Consultation133
-Pediatric Consultation 72
-Dental Extraction 65
-Optical Consultation with free reading glasses 134
-Chest x-ray 12
-RBS 14
-Physical Therapy 2
-ECG 15
-Legal Consultation 11
-Massage 104
-Haircut 65
-PhilHealth 31
-Tuli 26
-Recipients of Medicines 378

TOTAL – 927

Samantala, narito ang iba pang schedule ng People’s Day ngayong buwan ng Mayo.

Date: May 15, 2015/ Friday
Registration is from 6am-10am
Venue: Brgy. Capri Covered Court, Novaliches, QC

Date: May 29, 2015/ Friday
Registration is from 6am-10am
Venue: Brgy. San Bartolome Covered Court, Novaliches, QC

Dahil naman sa BRIGADA Eskwela, cancelled ang People’s Day sa May 22 na nakatakda sanang ganapin sa Brgy. Maypajo, Caloocan City at sa halip ay gaganapin na po ito sa May 31, 2015, araw ng Linggo.

Tags: , , ,

15-day extension ng ECQ sa NCR, planong irekomenda ng Metro Manila Mayors

by Radyo La Verdad | May 9, 2020 (Saturday) | 30007

METRO MANILA – Isasapinal na ngayong araw ng Metro Manila Mayors, ang kanilang rekomendasyon hinggil sitwasyon ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region.

Planong irekomenda ng Metro Manila Council sa IATF na muling i-extend ng labing limang araw (15) ang ECQ sa NCR.

Sa panayam kay Paranaque City Mayor at MMC Chairman Edwin Olivarez sa programang Serbisyong Bayanihan, sinabi nito na bagaman nakakakita na sila nang unti-unting pagpatag ng kaso ng COVID-19 sa NCR mas makabubuti pa rin kung muling ie-extend ang lockdown.

Pabor ang MMC na magkaroon muli ng extension, lalo’t magkakaugnay ang mga siyudad sa NCR, at may mga tao na nakatira sa isang lungsod, subalit nagta-trabaho sa ibang siyudad sa Metro Manila.

“Sa paguusapan namin mas maganda kung maikokonsidera ng IATF na mai-extend pa for another 15 days para po yung ating inumpisahan ay magtuloy-tuloy at hindi lang mag flatten yung curve kundi maging down pababa na po yung curve regarding sa ating mga covid patient,” ayon Mayor Edwin Olivarez, Paranaque City and MMC Chairman sa panayam sa kanya ni Kuya Daniel Razon sa programang Serbisyong Bayanihan.

Sakaling palawigin pa sa 15-araw ang ECQ, kumpiyansa ang Metro Manila Mayors na kakayanin pang tugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga residente sa NCR.

Samantala, muli iginiit ng Malacanang na ang IATF pa rin ang magpapasya sa kapalaran ng lifting o extension ng ECQ, na dapat ay nakabatay sa siyensa, datos at kakayahan ng health care facilities.

“The ECQ will end on May 15, so I supposed a few days before May 15 dahil kinakailangang mag-transition din tayo sa GCQ para sa mga areas na pwede nang mag-GCQ (General Community Quarantine),” ayon kay Harry Roque,
Presidential Spokesperson.

Suportado naman ng Malakayang ang naunang pahayag ng DILG na may ilang LGU na sa Metro Manila ang pwede nang mag-lift ng ECQ, at maibaba na ang sitwasyon sa General Community Quarantine.

(Joan Nano)

Tags: , , , , ,

AFP Cavaliers, pinatumba ang PITC Global Traders sa opening game ng UNTV Cup Season 8 sa Mall of Asia Arena

by Radyo La Verdad | September 10, 2019 (Tuesday) | 53324

Muling dumagundong ang Mall of Asia Arena sa pagparada ng labingdalawang koponang  kalahok sa ikawalong season ng Liga ng Public Servants ang UNTV Cup!

Ayon sa may konsepto ng liga, na si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon, sa nakalipas na pitong season umabot na sa mahigit limampung milyong piso ang naitulong ng torneo sa napiling beneficiaries ng bawat koponan.

“Ito po ang liga na yung mga participating teams wala silang binabayarang bond. Wala din po silang binabayarang joining fee. Unlike any other league kung mababalitaan nyo po yung iba’t-ibang mga liga na sinasalihan ngayon mayroon silang mga joining fee, meron po dyan 20 million para makasali, meron pong 50 million para makasali. Hindi po ang UNTV ang pumipili kung sino ang charity o charitable institutions na kanilang pagbibigyan ng kanilang mapapanalunan,” dagdag ni Kuya Daniel Razon, CEO of BMPI-UNTV.

Ikinatuwa naman ng pangunahing katuwang ng UNTV sa mga public services tulad ng UNTV Cup na si Bro. Eli Soriano ng Members Church of God International (MCGI) ang pagsuporta ng bawat koponan sa adhikain ng paggawa ng mabuti sa pamamagitan ng basketball.

Sinabi ni Bro. Eli Soriano , Overall Servant, MCGI, “Ang aming dalangin sa Dios sana lahat ng participating teams magkaroon kayo ng suwerte sa buhay, one way or the other pagpalain ng Dios ang inyong pamilya, ang inyong mga sangbahayan, mahal sa buhay dahil sa iyong effort na makatulong sa paggawa ng kabutihan sa kapuwa.”

Samantala, ipinamalas ng three-time champion AFP Cavaliers ang kanilang bangis nang payukurin ang PITC Global Traders sa opening game kagabi sa score na 90-70.

Umpisa pa lang ng ballgame ay binomba na ng opensa ng Cavaliers ang Global Traders. Mapa-outside shooting o sa paint area man, hindi nagpatinag ang AFP. Samahan pa ng mahigpit na depensang tila nagsasabi kaya nilang idepensa ang championship title.

“In time makaka recover yan , alam mo naman noong nakapukpok sila nakahabol, so even they are the defending champion alam namin kaya namin, we have to begiven some time to recover from everything  makapag ensayo kami ng maayos,” ayon kay Headcoach,PITC Global Traders, Victor Ycasiano.

Best players of the game sina Jerry Lumongsod na may 16 points at Wilfred Casulla Junior na may 15 points at 12 rebounds.

Nanguna naman sa PITC sina Rod Vasallo at Marlon Martin na may tig-labingwalong points, at Undersecretary Dave Almarinez na may 13 points.

Hinati sa dalawang grupo ang labing dalawang koponan. Magtutuos ang magkakagrupo sa pamamagitan ng round robin para sa first round eliminations. Ang panlima at pang-anim na pwesto sa Group A at B ang mae-eliminate matapos ang tiglimang laban.

Magsasanib naman ang natitirang walong koponan sa second round eliminations kung saan may siguradong tig- apat silang laban.

Ang mga koponang may pinakamaraming naipanalo, makararating sa una at ikalawang pwesto, at otomatikong aakyat sa semi-finals.

Ang numbers 3,4,5 at 6 ang maglalaban sa quarter-finals at ang team numbers 7 at 8 ay magpapaalam na sa liga.

Round robin ang sistema sa quarter-finals kung saan ang dalawang team na may pinakamaraming maipapanalo sa tatlong laban ang aabante sa semi-finals habang ang numbers 3 at 4 ay mae-eliminate.

Sa semis, best of three series na ang proseso kung saan lalabanan ng number one team ang pangalawang may pinakamaraming panalo sa quarter-finals at ang number 2 team naman, haharapin ng koponang may pinakamaraming panalo sa quarter-finals.

Ang dalawang may pinakamaraming panalo ang magtutuos sa best of three series sa finals.

“Pitong buwan tatakbo ang torneo kung saan aabangan natin sa marso sino ang dalawang koponan ang magtutuos para sa kampyonato at mag uuwi ng Apat na Milyong Piso na pa premyo.”

(Bernard Dadis | UNTV News)

Tags: , ,

Libreng government services sa pagbubukas ng UNTV Cup season 8 , maaaring ma-avail ngayong araw

by Radyo La Verdad | September 9, 2019 (Monday) | 19983

Muling na namang sasabak sa hard court ang mga kawani ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa ika-walong season ng UNTV Cup. Kaakibat nito ang mga charity works kung saan milyon-milyong pisong papremyo ang muling ipapamahagi sa mga chosen beneficiaries ng bawat kuponan.

Isa ito sa mga paraan ng Members Church of God International (MCGI) sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon at Brother Eli Soriano na makapag-abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Ayon kay Kuya Daniel Razon, “Well, sa atin, mahalaga ang bawat pagkakataon na makatulong regardless kung sino iyong tinutulungan. Ang sa atin kasi bawat pagkakataon na makatulong tayo sa ating mga kapuwa tao na nangangailangan is an opportunity na bigay ng Panginoon sa atin para makagawa tayo n’ong dapat nating gawin.”

At sa pagbubukas ng panibagong season ng UNTV Cup mamayang ala sais ng gabi, muling maghahandog ang UNTV sa mga kasangbahay ng serbisyo publiko katuwang ang ilang ahensya ng pamahalaan. Gaya ng free service ng Philhealth para sa online verification ng contribution at membership, application at issuance ng Member Data Record o MDR at ID, at impormasyon kaugnay sa benepisyo at iba pang pribilehiyo ng Philhealth. Mayroon ring libreng online verification ng loan, contribution, membership at iba pang benepisyo at pribilehiyo sa Pag-ibig fund. At free service ng Social Security System para sa mga nangangailangan ng impormasyon kaugnay sa benepisyo at loan privileges sa SSS.

Makaka-avail ng mga naturang free government services bago ang pormal na pagsisimula ng UNTV Cup season 8 sa Mall of Asia Arena simula alas kuwatro ng hapon hanggang alas sais ng gabi ngayong araw September 9, 2019.

(Asher Cadapan, Jr. | UNTV News)

Tags: , , ,

More News