Mahigit isang daang loose firearms, nakumpiska sa Quezon Province

by Radyo La Verdad | June 20, 2018 (Wednesday) | 6999

Patuloy ang isinasagawang Oplan Salikop ng Philippine National Police (PNP) sa Quezon Province.

Sa ilalim nito, kinukumpiska o di kaya ay ipinapanawagan sa mga residente na isuko ang kanilang mga baril na walang lisensya. Bahagi ito ng implementasyon ng Republic Act 10591 o campaign against loose fire arms.

Kahapon, iprinisinta kay PNP Region 4A Director Police Chief Superintendent Edwardo Carranza ang mahigit isang daang iba’t-ibang klase ng baril na nakumpiska ng Quezon Province. Ang mga ito ay nakumpiska mula Enero hangang Hunyo ngayong taon.

Pansamantalang i-hohold ng PNP ang mga baril habang hindi pa naaayos ng mga may-ari ang papel ng mga ito.

Ayon sa opisyal, plano nilang ilapit sa mga gun owner sa limang probinsya sa Region 4 ang serbisyo ng PNP para sa mas madaling aplikasyon ng Licence to Own and Possess Firearms (LTOPF).

Samantala, pinangunahan din ng regional director ang pabibigay ng parangal sa ilang pulis sa Quezon Province na kinakitaan ng katapatan at katapangan sa pagganap ng tungkulin.

 

( Japhet Cablaida / UNTV Correspondent )

Tags: , ,