Idiniploy na ngayong umaga sa kanilang mga area of responsibility ang Task Group Clark ASEAN 2017 na magbabantay para sa seguridad ng ASEAN 2017 11th ASEAN Defense Ministers Meeting sa Clark, Pampanga.
Mayroon itong kabuuang 9,377 personnel na nagmula sa AFP , PNP , DILG, DND, DOH, DSWD, NICA, PSG, OCD, NDRRMC, PCG, DFA, BI, MMDA, CAAP, BFP, PNRI, DOT at NTC.
Magsisimula ang pagpuplong sa Linggo at tatagal hanggang sa Miyerkules.
Kabilang sa mahigpit nilang babantayan ay ang Clark International Airport, mga hotel na tutuluyan ng mga delegado at pagdadausan ng mga meeting.
Tags: ASEAN 2017, government agencies, Pampanga