Simula noong Martes ay walang tigil ang pagbagsak ng snow sa Paris at hindi inaasahang ganito kakapal na umaabot sa mahigit 4 inches at patuloy pang kumakapal.
Sa ngayon ay nasa -5 celcius ang temperatura, madulas ang daan kaya pinapayuhan ang mga commuters at travellers na mag-ingat at asahan ang mga delayed train, bus at flight services.
Mahigit walong departamento sa buong Paris region ang naka-orange alert dahil sa madulas na kalsada.
Hinihikayat ng Paris police ang mga motorista sa Paris region na iwasan muna ang mag-drive upang maiwasan ang travel chaos gaya noong Martes na marami ang na-stranded sa daan.
Pinaghahanda rin ang mga Parisian sa Paris ang asahan ang pagbuhos ng snow ng mahigit 3-7cm.
Dahil nga madalang na mag-snow ng ganitong kakapal, maraming turista at Parisians ang natuwa, nag-enjoy at naglaro bata at matanda. Nag-post ng kanilang winter white experience in Paris sa social media lalo na ang ating mga kababayan. Kanya-kanyang post sa social media lalo na yung mga first time makakita at makaranas ng snow.
Ang iba sumadya pa sa Eiffel Tower at iba pang tourist spot para mag-picture taking dahil maganda ngang makita na kulay puti sa snow ang Paris.
( Jhun Garin / UNTV Correspondent )