Nagsimula nang magsidatingan sa Legazpi City ang mga estudyanteng lalahok sa Palarong Bicol 2017 na sisimulan ngayong linggo sa Sports and Tourism Complex, Bicol University.
Kasama ng mga ito ang kani-kanilang coaches at teachers gayundin ang mga magulang ng ilang kalahok bilang suporta.
Tinatayang aabot sa pitumpung libong student athletes mula sa anim na lalawigan at pitong lungsod ng Bicolandia ang magiging kalahok sa palaro.
Subalit ilang atleta ang hindi nakasama matapos maapektuhan ng nagdaang bagyo.
Nasa dalawamput dalawa ang playing venues habang labinglimang paaralan naman ang ginawang bulletin center para sa mga deligado.
Ang Palarong Bicol ay tagisan ng lakas ng mga mag-aaral sa elementarya at sekondarya sa buong region five.
(Hazel Rivero / UNTV Correspondent)
Tags: 000 student athletes sa Bicol Region, magtatagisan ng lakas sa Palarong Bicol 2017, Mahigit 7