Simula sa October 31 ipakakalat na ang mahigit pitong libong mga pulis sa buong Calabarzon Region bilang paghahanda sa oplan Kaluluwa ng Philippine National Police.
Bukod sa mga seminteryo, idedestino ang mga ito sa mga matataong lugar tulad ng mga pantalan, terminal, at mga kilalang pasyalan. Inaasahan na ng PNP ang pagdagsa ng mga bakasyonista ngayong darating na bakasyon at ang pananamantala naman ng mga masasamang loob.
Bunsod nito, nagpapaalala ang PNP sa publiko na huwag magpost sa mga social media kung aalis ng bahay, tiyakin na naka-lock ang mga bintana at pinto ng bahay para hindi mapasok ng mga magnanakaw.
Iwasan ding magsuot ng mga mamahaling alahas sa mga pampublikong lugar at idisplay ang mga gadget tulad ng cellphone na mainit sa mata ng mga kawatan.
Bukod dito, nagpapaalala din ang PNP na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang mga sasakyan at ang driver nito bago bumiyahe.
( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )
Tags: Calabarzon Region, pulis, Undas
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com