Mahigit 700 daang empleyado ng Subic Bay Metropolitan Authority nagsagawa ng silent protest

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 1306

LESLIE_SBMA
Aabot sa mahigit 700 empleyado ng Subic Bay Metropolitan Authority ang nagsagawa ng silent protest upang ilabas ang kanilang saloobin sa gobyerno patungkol sa pagaadjust ng kanilang sahod.

Ayon sa mga empleyado, napakababa ng kanilang sahod kumpara sa karaniwang tinatanggap ng regular na empleyado ng gobyerno.

Nagtali ng itim na tela sa kaliwang braso ang mga empleyado upang maipadama ang kanilang hinaing sa gobyerno.

Nasa mahigit 1,800 ang mga empleyado ang makikinabang kung maipagkakaloob ang kanilang kahilingan na maibigay ang kanilang salary adjustment.

Ayon sa SBMA, kumpleto naman ang kanilang mga pinasang dokumento na kinakailangan upang matugunan ang kanilang hinihiling na salary adjustment.

Matatandaang noong 2012 ay pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Executive Order 76 ang fourth tranche ito ay modified salary schedule para sa mga sibilyan, uniformed personnel na empleyado ng gobyerno.

Panawagan ng Subic Employees Association o SEA na bigyan pansin ng Pangulong Aquino ang kanilang kahilingan na taasan ang kanilang sahod.

(Leslie Huidem / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,