Nagsasanay na sa Camp Vicente Lim sa Laguna ang 743 na mga bagong recruit ng PNP CALABARZON para sa last quarter noong nakaraang taon.
Itoy matapos silang makapasa sa lahat ng mga examinations at manumpa nuong nakaraang Biyernes.
Ayon kay CALABARZON PIO Chief Police Supt. Chitadel Gaoiran, anim na buwan training ang kanilang pagdadaanan bago pa sila idestino sa ibat ibang unit ng PNP sa rehiyon.
Mayroong labingdalawang libong pulis sa CALABARZON Region ngunit ayon kay gaoiran, kulang pa rin ito para sa kanilang mga operasyon.
Ipinagpapasalamat naman ng PNP ang interes na magsilbi sa bayan ng ilan nating kababayan.
Nagsimula na ngayong buwan ang panibagong recruitment ng Philippine National Police para sa mga nag nanais na pumasok sa Pambansang Pulisya.
(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)
Tags: Mahigit 700 bagong recruit ng CALABARZON Police, sumasailalim na sa pagsasanay
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com