Mahigit 67K displaced tourism workers, makakatanggap ng DOT-DOLE cash aid

by Erika Endraca | April 14, 2021 (Wednesday) | 6325

METRO MANILA –Naaprubahan na ang pamimigay ng one-time PHP 5,000 financial assistance sa 67,347 na beneficiaries sa NCR Plus sa ilalim ng DOT-DOLE Cash-For-Work Program ng Bayanihan 2.

Binanggit ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat na kahit na makatulong ito sa short run sa mga tourism worker, ang pinakamagandang paraan para makatulong sa long run ay ang pag tulong sa mga stateholders para makabuo ng isang mas maganda at mas matibay na Tourism Industry.

Sinabi din ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na tuloy tuloy ang pagbibigay ng tulong ng DOLE sa mga tourism workers na nangangailangan sa kalagitnaan ng pandemya.

Ito lamang ay isa sa mga programa ng DOT at DOLE para makarecober ang Toursim Industry sa bansa. Umaasa si Secretary Puyat sa patuloy na supporta ng mga LGU at ng private sector upang mai-push ang ekonomiya ng Pilipinas.

(Jacobsen Aquino | L a Verdad Correspondent)

Tags: ,