Mahigit 6,000 kaso ng dengue, naitala sa Central Visayas sa unang pitong buwan ng 2016 – DOH

by Radyo La Verdad | July 26, 2016 (Tuesday) | 1882

GLADYS_DENGUE
Nababahala na ang Department of Health sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa Central Visayas.

Sa kanilang tala, mula Enero hanggang hulyo 2016 ay 6,810 dengue cases na ang napaulat na mas mataas kumpara sa naitalang 2,750 cases sa kaparehong panahon noong 2015.

Limampu’t pito rin ang nasawi ngayong taon kumpara sa labinlima noong 2015 dahil sa dengue.

Pinakamaraming kaso ang naitala sa Cebu City na may 973 cases, sunod ang Mandaue City na may 307 cases at Toledo City na may 268.

Kaugnay nito muling nanawagan ang DOH sa ating mga kababayan na maglinis ng kapaligiran at seguruhing walang naiipong tubig sa mga container na maaring pamugaran ng lamok na carrier ng dengue virus.

Kung nakararanas naman ng sintomas ng dengue gaya ng pabalik-balik na lagnat, pamamantal sa balat, pananakit ng likod ng mata, ulo at mga kasu-kasuan ay agad magpakonsulta sa doktor upang ito’y maagapan.

Plano rin ng DOH na magsagawa ng school-based immunization sa mga batang siyam na taong gulang sa mga pampublikong paaralan sa Cebu ngayong Oktubre.

(Gladys Toabi / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,