Mahigit 600 preso sa Manila City Jail, nagtapos sa ALS ng DepEd

by Radyo La Verdad | August 23, 2018 (Thursday) | 4028

Nagtapos ngayong araw ang mahigit 600 preso ng Manila City Jail sa Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education (DepEd).

114 na mga bilanggo ang nagtapos sa elementary level, 345 sa secondary level, at 158 naman informal education ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ilan sa mga itinuro sa kanila ay hilot wellness, pastry making, noodle making, tile setting, cosmetology at iba pa.

Labis namang ikinatuwa ito ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at ng mga preso dahil sa TESDA certificate.

Malaking tulong ito para makapaghanap sila ng maayos na trabaho sa kanilang paglaya at pagbabagong buhay.

Ang nasabing programa ng pamahalaan ay sa pakikipagtulungan ng BJMP, DepEd at ng TESDA.

 

Tags: , ,