Mahigit 600 lumabag sa mga city ordinances, hinuli ng Southern Police District

by Radyo La Verdad | June 19, 2018 (Tuesday) | 5067

Mahigit anim na raan ang hinuli ng Southern Police District sa magkakasabay na operasyon kagabi dahil sa paglabag sa mga city ordinance.

Ang mga ito ay mga walang damit pang-itaas o half naked, umiinom ng alak sa pampublikong lugar o mga menor de edad na lumabag sa curfew hour.

Ang mga nahuli ay dinala sa mga police headquarters sa Taguig City , Makati , Pasay , Paranaque , Muntinlupa at Las Pinas.

Mahigit 160 ang hinuli dahil sa pag-inom ng alak sa kalsada o labas ng bahay. Halos isang daan ang walang suot damit pang itaas.

287 ang menor de edad na lumabag sa curfew hour, tatlumpu’t siyam ang naninigarilyo sa mga pampublikong lugar, dalawampu’t isang tambay at apat dahil sa pag-ihi sa pampublikong lugar.

Isasailalim sa inquest proceedings ang mga nahuli habang ititurn-over naman ang mga menor de edad sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Muli namang pinaalalahanan ng mga otoridad ang ating mga kababayan na sumunod sa batas dahil mismong si Pangulong Roderigo Duterte na ang may utos na pauwiin ang mga tambay sa kalsada o kung hindi ay huhulihin.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,