Mahigit 57 billion pesos para sa proposed Salary Standardization Law 4,nakapaloob sa 2016 National budget

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 5449

SEN-FRANKLIN-DRILON
Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na pasok sa 2016 National budget ang 57.906 billion pesos budget para sa proposed Salary Standardization Law 4.

Layunin ng Salary Standardization Law 4 o SSL4 na madagdagan ang sahod ng mga empleyado ng pamahalaan. Kung maisasabatas ang nasabing panukala, ang lowest grade na sahod ng isang empleyado ng gobyerno na siyam na libong piso (P9,000) ay maitataas sa labing anim na libong piso(P16,000).

Para naman sa mga militar at iba pang unipormadong manggagawa tataas ang kanilang base pay sa 23,000 thousand pesos,samantalang sa magiging four-star general ay aabot sa 550,000 pesos.

Sa loob ng apat na taon, ang pondo para sa karagdagang suweldo sa empleyado ng gobyerno ay aabot sa 225.8 billion pesos na halos malapit na sa rate ng mga nasa pribadong sektor.

Dagdag pa ni Senator Drilon, ang panukalang batas ay prayoridad ngayon na maipasa sa Senado,upang pagsapit ng 2016 ay ma-enjoy na ito ng mga manggagawa ng gobyerno.(Meryll Lopez/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,