Mahigit 5,000 trabaho, alok ng DOLE sa gaganaping Edsa Day Job Fair ngayong linggo

by Radyo La Verdad | February 22, 2018 (Thursday) | 4450

Mahigit limang libong trabaho sa loob at labas ng bansa ang alok ng Department of Labor and Employment sa isasagawang Job and Business Fair ngayong linggo bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika 32-anibersaryo ng Edsa People Power Revolution.

Gaganapin ang Edsa Day Job Fair sa Quezon City Hall grounds. Kabilang sa mga trabahong maaring aplayan sa Metro Manila ay ang pagiging sales associate, management trainee, cashier, accounting assistant, graphic artist, IT programmer, carpenter, mechanical engineer, painter, plumber at iba pa.

Ayon naman sa Philippine Overseas Employment Administration o POEA, limang libong land and sea based job orders ang alok ng sampung recruitment agencies na makikiisa sa Job Fair.

Kabilang sa mga trabahong maaring pasukan ay ang pagiging waitress, ground steward, nurse, midwife, medical technologist, engineer, surveyor, electrician, technician, plumber, programmer, barista at iba pa.

Ito ay para sa mga bansang Qatar, Bahrain, United Arab Emirates, Papua New Guinea, Australia, New Zealand, Taiwan at Malaysia.

Ang mga aplikante ay pinapayuhanng magdala ng multiple copies ng resume, 2 by 2 ID pictures, certificate of employment para sa mga dating nagtrabaho, diploma o transcript of records at authenticated birth certificate.

Tags: , ,