Sa tala ng Vices Regulation Unit simula April 12 hanggang May 7 umabot na sa mahigit 5,000 ang nahuling lumabag sa no smoking policy ng Davao City.
Ang Vices Regulation Unit ang binuong grupo ng lokal na pamahalaan na striktong magpapatupad ng smoking at liqour ban.
Ang mga nahuling lumabag sa anti smoking ordinance sa unang pagkakataon ay iisyuhan ng citation tickets at kailangang bayaran ang 500 pesos na multa sa loob ng tatlong araw.
Kailangang maibalik din sa mga pulis ang ticket sa itinakdang panahon.
Sa ilalim ng batas ang mga susunod na paglabag ay otomatiko nang sasampahan ng reklamo.
Kaugnay nito hinihikayat din ng vru ang kooperasyon ng mga barangay sa davao city upang striktong maipatutupad ang mga ordinansa.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga tobacco products sa mga barangay.
Bukod sa no smoking signages na ilalagay sa mga paaralan at opisina, maglalagay din ng mga malalaking no smoking billboards sa mga pampublikong lugar.
Tags: 000, anti-smoking ordinance, Davao City, Mahigit 5