Ilang linggo nang tinitiis ng tricycle driver na si Alvin Barasan ang pananakit ng kanyang tagiliran.
Hindi siya makapagpatingin sa doktor dahil bukod sa wala siyang pambayad ay mas pinipili niyang kumayod upang kumita ng pera para sa pamilya.
Kaya naman laking pasasalamat ni Alvin nang mabalitaan niya ang libreng medical mission ng UNTV at Members ng Church International sa Olongapo City.
Matiyaga ring pumila si Aling Salvacion upang makahingi ng libreng gamot para sa kanyang karamdaman.
Sina Alvin at Aling Salvacion ay dalawa lamang sa mahigit limandaang residente na napaglingkuran sa medical mission sa Olongapo City.
Kabilang rin sa mga inialok na libreng serbisyo ay libreng medical consultation, pabunot ng ngipin at libreng gamot.
Ang pagsasagawa ng libreng medical mission ay bahagi ng adbokasiya nina Bro Eli Soriano at Kuya Daniel Razon na makatulong sa mga mahihirap at nangangailangan.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: Mahigit 500 residente, medical mission, Olongapo City, UNTV at MCGI