Mahigit 500 police nakaduty sa Manila North Cemetery Nov. 1 – 2

by Erika Endraca | November 1, 2019 (Friday) | 31810

MANILA, Philippines – Ngayong araw (November 1) inaasahan ang pagdagsa ng ating mga kababayan sa Manila North Cemetery  kaya naman nagdagdag na rin ng pwersa ang Philippine National Police (PNP).

Sa taya ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nasa 800,000 ang nagpunta sa Manila North Cemetery simula kaninang hating gabi.

Ayon naman kay Manila Police District Station 3 Chief of Operations Police Leutenant Noel Villamor , nasa 540 police ang nakadeploy Ngayon at Bukas (Nov. 1-2) sa 54 na hektaryang lawak ng Cementerio Del Norte.

Bukod sa mga unipormeng police ,mayroon ding mga naka sibilyan na nakahalo sa mga tao na nagbabantay. Mayroon namang dalawang K-9 dog na nag iikot. Habang sa November 3 ay skeletal force na lamang sila na mahigit 50 police. Bago mag a-uno ayon kay Direktor Roselle Castañeda nasa 26 ang nakakabit nilang cctv sa sementeryo.

Samamtala simula alas-10 Kagabi (October 31) ay isinara na ang ilang kalsada sa Maynila at tatagal ito hanggang November 3. Batay sa abiso ng manila Police District Traffic Enforcement Unit

Sarado ang Aurora Boulevard mula Dimasalang hangang Rizal Avenue. Sarado rin ang Dimasalang mula Makiling hanggang Blumentritt. Ganoon din ang bahagi p.Guevarra,Blumentritt,Retiro at Leonor Rivera.

Nagtalaga naman ng mga lugar kung saan maaring pumarada ang mga papunta ng Manila North Cemetery. Ito ay sa kahabaan ng Craig Street, Sulu, Simon, Oroquieta, Felix Huertas at Metrica Street. Bawal namang pumarada sa Retiro-Blumentritt and Aurora/Blumentritt to Bonifacio Avenue hanggang Laong-Laan,Dimasalang mula North Cemetery Gate hanggang Makiling Laong-Laan (Bulaklakan)-Don Castillas,Don Quijote at Maria Clara,Carol at Aragon.

(Bernard Dadis | UNTV News)

Tags: ,