Mahigit 500 kaso ng COVID-19 sa bansa, naitala kahapon

by Erika Endraca | June 2, 2020 (Tuesday) | 1603

METRO MANILA – Mula noong nakaraang Biyernes (May 29), magkahiwalay nang iniuulat ng DOH ang fresh at late cases ng COVID-19 sa bansa

Naaalarma naman ang publiko dahil mula sa mahigit 16,000 noong Biyernes, umakyat pa sa 18, 638 ang naitalang kaso kahapon.

Sa 552 na bagong kaso, 433 dito ang late cases habang 119 naman ang fresh cases.

May tatlong nadagdag sa bilang ng nasawi .

Sa ngayon ay umabot na sa 960 ang death toll sa bansa .

70 naman ang naitalang gumaling na at sa kabuoan ay nasa halos 4,000 na ang recoveries sa bansa.

Mahigit 6,000 COVID-19 test backlogs, kailangan pang i- validate ng DOH bago makita ang puro fresh cases sa bansa.

Samantala, ayon sa DOH makikita na lang ang aktwal na “fresh cases” sa bansa kapag natapos na ng 14 na laboratoryo ang validation sa resulta ng 6,800 COVID-19 test backlogs

Muling binigyang diin ng DOH na patuloy ang pagtaas ng kaso sa bansa dahil sa mas mabilis na validation process ng mga COVID-19 test backlog results .

Muli ring nagpaalala ang DOH na huwag maging kampante kahit kakaunti ang naitatalang fresh cases at niluwagan na ang restrictions lalo na sa Metro Manila na naka- GCQ na simula kahapon.

“Unang -una po kapag lumabas wear your mask. Hindi lang po isusuot ang mask kundi isusuot po ito properly. Marami po tayto nakikita isinusuot pero nasa baba lang po nila o di kaya bibig lang ang tinatakpan. Wear your mask properly, kino- cover ang ilong at bibig. Physical distancing po napaka- importante” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: