Mahigit 500 Bulakenyo sa bayan ng Balagtas, Bulacan, napaglingkuran sa libreng medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | October 10, 2017 (Tuesday) | 4705

Mula nang nagkaroon ng mild stroke, hirap nang maglakad ang senior citizen na si Jaime Isidro. Ngunit hindi ito naging hadlang upang makapunta si lolo Jaime sa medical mission sa barangay Panginay, Balagtas na hatid ng UNTV katuwang ang Members Church of God International sa mga Bulakenyo.

Nang mabalitaan naman ni Aling Maricel Hipolito ang naturang libreng serbisyo medikal, hindi siya nag-atubili na dalhin ang kanyang asawa na isa ring stroke patient sakay ng wheelchair

Malaking bagay din para kay aling Teresita Andueza na maipatingin sa doktor ng libre ang kanyang tatlong anak na may ubo’t sipon at pabalik-balik na lagnat. Aniya, hindi sapat ang kita niya sa paglalabada upang maipagamot ang mga bata.

Ilan lamang sila sa mahigit limandaang Bulakenyo na napaglingkuran sa libreng medical, dental, optical services at mayroon ding mga natulungan sa kanilang problemang legal.

 

( Gerry Galicia / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,