Lumabas sa latest survey ng Social Weather Stations na maraming Pilipino ang naniniwala na karamihan sa mga napapatay sa anti-drug operations ay lumaban sa mga pulis.
Isinagawa ang survey noong June 23 hanggang 26 sa isang libo at dalawangdaang respondents.
Ayon sa SWS, 54 percent ng mga Pilipino ay hindi naniniwalang lumaban ang mga drug personality kaya napatay.
Twenty percent ang naniniwala na lumaban at twenty five percent naman ang hindi makapagpasya o undicided.
Pinuna naman ng Malacañang ang pinakabagong survey ng SWS. Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, leading at pointed ang mga tanong na maaring maka-impluwensiya sa mga respondents.