Mahigit 4M Pilipino, kabilang sa master list ng prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan vs Covid-19

by Erika Endraca | February 18, 2021 (Thursday) | 1515

METRO MANILA – Wala pang tiyak na petsa kung kailan darating ang mga Covid-19 vaccines sa bansa.

Nguni’t bilang paghahanda sa vaccine roll out, may masterlist nang inihanda ang pamahalaan.

Batay sa inisyal na datos mula sa Department of Information and Communications Technology Vaccine Information Management System (VIMS).

Nasa 18, 562 na healthcare workers sa 34 priority hospitals sa bansa ang kasama na sa masterlist ng mga unang mababakunahan kontra Covid-19

“Most of these healthcare workers would comprise from those eligible hospitals na isasama nati na unang pagbabakuna with Pfizer vaccines” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

1.4 Million naman ay mula sa grupo ng senior citizens.

3 Million ang mga mahihirap o indigent na mga Pilipino.

At 164,000 naman mula sa uniformed service ng bansa.

Lalabas sa inisyal na datos sa masterlist na mahigit 4M na ang nasa listahan ng DOH na unang makakatanggap ng Covid-19 vaccines sa bansa.

Nasa 80% ng populasuon ng mga Pilipino ang target na mabakunahan ng pamahlaan upang maabot ang herd immunity laban sa Covid-19.

Samantala, hindi pa masasabi ng DOH na “under control” na ang Covid-19 crisis sa Pilipinas.

“Nothing is still certain,joseph with the coming vaccines, dito po sa mga variants na dumadating. Dito po sa naikita nating naitatala na areas in our country na may mga pagtaas ng kaso wala pa hong certain sa ngayon. “ ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

Paliwanag ng DOH, may mga batayan pa rin para masabing ang isang bansa ay talagang nakaagapay na sa pagtugon sa pandemya.

Isa rito ay ang dami ng kasong naitatala sa bawa’t lugar sa bansa.

Ang kapasidad ng health system sa mg lugar na may naitatalang mataas na kaso ng Covid-19.

Gayundin ang pagtugon ng mga otoridad sa umiiral na mas nakakahawang variant ng Covid-19.

Nguni’t tinitiyak naman ng DOH na mas mabuti na ang sitwasyon ngayon kung ikukumpara noong unang bahagi ng 2020

“Pero ang masasabi ko sa inyo na sigurado tayo we were able to manage, we were able to improve on our healthcare system, at ngayon po mas ready tayo kaysa noong nag-umpisa para labanan po itong pandemyang ito.” ani DOH Spokesperson, Usec. Maria Rosario Vergeire.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: